Martial Law Extension sa Mindanao, Kinontra ng mga LP Senators
Mariing kinontra nina Liberal Party President Senator Kiko Pangilinan at Franklin Drilon ang posibleng pag-extend muli ng martial law law sa buong Mindanao. Ayon kay Sen. Pangilinan, walang pahiwatig na mayroong aktwal na pagsalakay o paghihimagsik noon o ngayon na syang maaring batayan ng martial law base itinatakda ng ating Saligang-Batas. Loading... Para naman kay Senator Drilon, walang umanong nakikitang basehan para ito ay gawin. Giit pa ni Pangilinan, ang extension ng batas militar ay salungat sa pag-usad ng mga pagsisikap para makamit ang kapayapaan sa mindanao tulad ng pagpasa sa Bangsamoro Organic Law. Source: RMN